TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Thursday, June 04, 2026

Nine till one

5 min readHindi lahat ng sagot ng Diyos dinadala ng hangin. Minsan natitigilan ito ng ulan, at nababad na sa kung saan— hanggang sa lumitaw muli, at ikaw na lang ang pipili kung isasalba mo pa.
Profile picture of Charlize Tichepco

Published 5 months ago on December 23, 2025

by Charlize Tichepco

SHARE

Main image of the post

(Artwork by Charlize Tichepco/TomasinoWeb)

SHARE

December 2025

Buhat ko sa aking kamay ang dalamhati ng mga salitang hindi nabitawan. Ngayon, ang lihim ng panahon ay kumakatok na sa pintuan ng simbahan.

Dahil ngayong simbang gabi, hindi na lamang ang pagkapanganak ni Hesus ang hinihintay ko— pati na rin ang sagot sa mga katanungan ko.

Nang sa bawat araw ng simbang gabi, unti-unting dumarating ang mga salitang pilit kong gustong marinig.

Jan. 17, 2010

Dear Chi,

It’s Sunday today! Today’s mass is probably one of my all-time favorites. Between hearing my favorite gospel, listening to Fr. Henry’s homily, and hearing you sing the responsorial psalms. Parang lumulutang ako, swear. Huwag mo pagtawanan. XD

Sobrang kulit ni Fr. Henry today, dami niya banat sa ‘min! And he kept looking at me during the homily, kinda weird but ok! Gets naman that the gospel is the Wedding of Cana, and he angled his homily on the wedding itself. But do I look like I have plans to marry right now? Technically, we’re still minors T__T

Yours, O.

Natanggap ko ito noong unang simbang gabi, nakatago sa ilalim ng mga offertory envelopes. Alam nilang mapapansin ko agad kung doon ilalagay.

Sa totoo lang, hindi ko alam sinong nagpuslit nito roon.

Nag-iisip din ako kung may nakilala akong conyo sa simbahan, kasi parang wala naman. Todo English kasi ‘tong si sender.

Tapos, sa pangalawang araw ng simbang gabi, dumating ang pangalawang liham from the 2010, parehong taon sa unang liham.

Wala namang mensahe kundi “Got bored” at doodle ng mukha ko sa papel.

Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat: ang kilig na kumakalmot sa gilid ng dibdib ko o ang takot na baka hindi ako ang tinutukoy niya.

July 31, 2011

Dear Chi,

Happy Birthday! <3

I am so blessed to have you in my life. Sundays are dull without you. I love seeing you at church with those little clips on your hair, especially that one sunflower clip on your temple. Agaw pansin ka sa misa, if you ask me! (Lagot ako kay Fr. David kaya huwag ka maingay na sinabi ko ‘to xD!)

There was even a time during the church retreat when we briefly talked before going to bed. Your hair softly braided, and all I could see was you beneath the moonlight. * * You told me, someday you’d want to get married in a small church with an intimate set-up like this. Your dress would be some sort of mermaid gown (I don’t remember the term). You had it all planned out. Then you looked at me and said with a decided smile, “But all of that is nothing if it’s not His plan for me.”

And that’s what I pray for today. I hope to see you this hopeful and happy for the years to come.

Yours, O.

Ngayon, may kutob na ako kung sino.

Pero parang suntok sa buwan. Hindi ko kayang paniwalaan na siya nga.

Feb. 17, 2013

Panaghoy limlim

Sinagtala na lukob

Pagtanging ilaw

I can’t express the right words in English, Chi. I’m not even sure if I’m saying the words right or if it makes sense— but everything here came straight from my heart.

Hindi ko na kayang ikimkim ang nararamdaman ko.

Sana magkita tayo ngayong Undas. May gusto ako sabihin sa iyo. Hindi sa papel, hindi sa cellphone, kundi sa iyo mismo.

Sana makamkam mo ang pinapanalangin ko sa ‘yo.

Yours, O.

At dito na ako huminto. Kung tama ang hinala ko, hindi ako handang harapin ang sagot.

Dear Chi,

Turns out writing (about you) to you every Sunday became part of my routine. Lumipat na kami ng ina pabalik ng Sorsogon after ng last chat natin sa simbahan.

Ilang taon na rin ang lumipas, and you’re still my favorite muse. I still write about you. But some of my letters got lost? Weird :(

Hindi kita nakita noong Undas last year. Do you think it’s a sign na huwag ko na lang sabihin?

I’ve been feeling lonely without you in my life. Umiiwas muna ako sa simbahan because of structural issues, alam mo naman.

Chi, hindi ko na kayang manahimik kung ang puso ko ay sinisigaw na ang pangalan mo. Tatlong taon kong inindang manahimik dahil hinihintay kong payag ang Diyos sa atin, kung “oo” sagot niya.

Pero kasi, mixed signals din siya. Nagdasal ako sa Adoration Chapel one time, asking for some kind of miracle na would allow me to find peace.

I don’t know what kind of “peace” I was looking for, but I believe, in some mystic way, He pointed you to me. Because when I opened my eyes, I saw your white bow in front of me.

Also kneeling, also praying, also hoping— you were at the exact time and exact place where I was left standing.

You and I are connected through God and with Him.

You’re my answered prayer, Chi.

Maybe I am waiting for the right moment to say it to you. Maybe I am waiting for the perfect moment when we’re both praying beneath the cross. Maybe torpe lang ako.

You’ll hear more from me. I promise that.

P.S. I’m scared baka this letter will get lost like the other ones. But if it ends up in your hands, I hope you treat it well.

Love, Obi.

Naalala ko ang araw na sinasabi ni Obi.

Ang totoo, plinano ko magdasal sa Adoration Chapel kasi hihingi ako ng blessing at sign kung kasama ba sa plano ni Lord ang guluhin ang feelings ko para kay Obi.

Ginawa ko nga rin ang tinatawag nila prayer ng lahat. “Lord, kung hindi siya para sa akin, alisin niyo siya sa buhay ko.”

Pero nandoon siya. Nauna pa siya.

Tila sinagot din ng Diyos ang dalangin ko bago ko pa ibitaw, sinasabing: “Heto na, naghihintay siya para sa pagdating mo.”

Bakit kaya walang nakasulat na petsa? Sinadya niya ba?

Oct. 1, 2017

Dear Chi,

Where do I put the love that so tenderly remains?

All I can think about is returning to the church to hear your voice. My hands linger back to the guitar you once touched. My mind drifts to the time we spent going home together.

Dati, kaya kong tumugtog na smooth ang daloy ng nota. Ngayon, naiipit ako sa ibang chords.

Jesus is the light, but I am forever in awe of how you reflect Him. Especially in those simple ways like letting silence be peaceful but not lonely. While watching you write your poems.

May puwang sa loob ko na parang sabayang kumakalabit—isang panalangin para sa Diyos, isang pananabik para sa’yo.

But at the same time, hindi ko ipipilit ang gusto ko.

Madalas magkaiba ang plano ng Diyos sa kung anong nais natin. Alam din nating may bunga ang faith natin.

Kung tatanungin ako, walang magbabago sa hiling ng puso ko.

I love you, Chi.

There are different kinds of love. But what I have for you transcends all that is known to man— platonic, romantic, whatever it could be.

That’s why I can still live without seeing you, because more than words of affection are pure decisions. Sabi nga ni St. Thomas Aquinas, “love is a decision.”

Some people would burn the world to prove their love. Mine doesn’t need proving; it exists the way I do—quiet, faithful, and god-fearing.

Buong pusong naghahayag, Obi.

Akala ko handa na akong humarap sa katotohanan. Akala ko hindi ko na itataboy ang nararamdaman ko. Baka sa isang saglit, naging totoo ang akala ko.

Subalit, sa tirik ng kandila sa kuwarto ko, natunaw rin ako. Sa pagod, sa paghihintay, sa pagdarasal, baka sa susunod mas nararapat ako humarap sa Kaniya.

Dahil ngayon, mas napatanong lang ako. Kaya pinili kong hindi pumunta sa dalawang huling gabi.

Pinadala na lang sa ‘kin ni Fr. Henry ang dalawang natirang liham galing kay Obi.

Hindi ko binubuksan. Hindi ko kayang tapusin.

Baka sa susunod na taon, kaya ko nang humarap muli sa Diyos na walang kaba, walang takot, at walang duda.

Sa susunod, wala na akong inaasahang mangyari ng pagbasa ng iyong mga salita. Walang kirot, kundi pagmamahal lamang ang matitira.

Hindi ko man buksan ang mga liham, alam kong tinahi na ng panahon ang pagitan nating dalawa.

Dahil sa susunod, alam kong muling magtatagpo ang mga landas natin. Hindi bilang pagtatapos, kundi bilang isang pag-amin na ang kwento natin ay hindi kailanman naging tungkol sa “atin,” kundi tungkol sa kung paano tayo hinubog para maging handa humarap sa Diyos.

Christmas

Simbang Gabi

Faith

Hope

Open Endings

Epistolary

Profile picture of Charlize Tichepco

Charlize Tichepco

Stories Writer

Charlize Tichepco is a Stories Writer at TomasinoWeb. She tackles the border between fiction and reality through fragments of existentialism, piercing humanity with the shard of a broken mirror. Her punkish edge in writing lies in her contradictory style—where opposing truths cut into the same core from different angles. As a journalism practitioner, she often weighs objective truths with human moral standings, trying to find balance between them. An escapist from proper society, Charlize finds herself writing on the margins of a letter rather than making her own. She writes to expose the hollow spaces people call certainty—but knowing the truth is a double-edged sword, she keeps the sharper side turned toward herself.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*